Do you even notice how many times you smile in a day? Yes or No? That's the question.
I don't know. Siguro pinanganak lang akong ganito. Everytime I meet new people, they often say na nakakapagbigay ng good vibes yung ngiti ko (Uy Kilig!) On a serious note, hindi ko alam. Wala akong idea na yung ngiti ko is nakakapagbigay ng good vibes. I don't have a perfect set ng ngipin. In fact, I am wearing braces.
Sa office, noong bago ako last year, nag-mid year review kami. Sabi ng manager ko, "keep the smile in your face" raw. At last night naman, sa comedy bar, sabi ng isang comedienne, nakaka good vibes daw kasi. Pero saan nga ba ito nanggagaling? --
Hindi perfect ang buhay ko. Isa akong batang OFW na maagang namulat sa hirap ng buhay. Isang bata na umpisa pa lang ay nangarap na na mabigyan ng magandang buhay ang aking pamilya. -- A normal OFW story kumbaga. Siguro marami lang akong pinagdaraanan, siguro dahil sa mga ito, natuto ako na kayanin lahat. In short, dinadaan ko na lang sa ngiti.
Noon, sabi ko "Hindi man ako makatulong sa kapwa ko financially, gusto kong makatulong mapagaan yung loob nila". Kaninang umaga, napaisip ako. Sabi ko, siguro nga tama ang kasabihan. "Let your smile change the world. Don't let the world change your smile". Kaya ako, kahit patuloy na mahirap ang pagdaanan ko, ngingiti pa rin ako ng mula sa puso at sasabihing 'KAYA KO TO'
No comments:
Post a Comment